PORT VISIT | Isa sa barko ng Japan dumaong sa Pantalan ng Maynila

Manila, Philippines – Nasa bansa ngayon ang barko ng Japan para sa dalawang araw na port visit.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Captain Lued Lincuna, ang barkong ito ay ang Japan Maritime Self-Defense Force (JMSDF) vessel JS OSUMI.

Ang JS Osumi ay isang classtank landing ship na may halos 150 officers at crew na sakay.


Dumating ang barko kaninang umaga at aalis naman bukas sa South Harbor Manila.

Ito na ang ikatlong beses na may dumating na barko ng Japan sa bansa ngayong taon.

Ang unang barko ng Japan na bumisita sa Pilipinas ay ang Japan Vessel Amagiri na dumating nang nakalipas na buwan ng Pebrero at Japan Vessel Akizuki na dumating sa Subic dalawang Linggo ang nakakalipas.

Sinabi ni Lincuna na layunin ng mga pagbisita ng mga barko ng Japan sa bansa ay upang mas palakasin pa ang relasyon ng Pilipinas at Japan.

Facebook Comments