Nag-deploy ang Provincial Disaster Risk Reduction & Management Office ng anim na units ng portable water purifier sa Brgy. Cabuluan, sa bayan ng Alcala, Cagayan.
Layon nitong mabigyan ng malinis na tubig ang mga bakwit na pansamantalang lumikas sa kanilang tahanan dahil sa mga pag-ulan at baha dulot ng Bagyong Goring.
Tuloy-tuloy din ang pamahalaan sa pamamahagi ng family food packs, inuming tubig, hygiene kits, kitchen kits, ready to eat foods sa mga apektadong residente.
Sa pinakahuling datos ng NDRRMC sumampa na sa 56,410 pamilya o katumbas ng mahigit 196,000 indibidwal ang naapektuhan mula sa Regions 1, 2, 3, 6, CALABARZON, MIMAROPA at CAR.
Sa nasabing bilang, 9,000 pamilya o 35,000 mga indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa 376 mga evacuation centers habang yung nasa halos 14,000 katao ay mas piniling makituloy muna sa kanilang mga kamag-anak o sa labas ng evacuation center.
Sa ngayon, lubog parin sa baha ang nasa 193 lugar sa ilang rehiyon kung saan nakapagtala din ng pagguho ng lupa.