Portland Trail Blazers, pinayuko ang Los Angeles Lakers sa first round ng NBA playoffs

Pinayuko ng Portland Trail Blazers ang Los Angeles Lakers sa kanilang unang paghaharap sa 2020 National Basketball Association (NBA) playoffs sa score na 100-93.

Nagpasiklab si Damian Lillard ng Portland ng 34 points, 5 rebounds, at 5 assists.

Habang nag-ambag sina CJ McCollum ng 21 points at 11 points si Carmelo Anthony.


Kinapos naman ang 23 points, 17 rebounds, 16 assists ni LeBron James at 28 points at 11 rebounds ni Anthony Davis para talunin ang Portland.

Muling maghaharap ang dalawang koponan sa Biyernes, Agosto 28, 2020.

Facebook Comments