Nag-alok nang tulong ang Portugal para tuluyang masugpo ng Pilipinas ang African Swine Flu (ASF).
Ang magandang balita ay ipinarating ni Portuguese Non-resident Ambassador to the Philippines Maria Cardoso sa Kongreso.
Bukod dito, mayroong pork producers sa kanila ang nais na magpadala ng mga eksperto para turuan at sanayin ang mga tauhan ng Bureau of Animal Industry kung paano masusugpo ang ASF.
Nangako naman si House Speaker Martin Romualdez na i-endorso ito sa Malakanyang at mga kinauukulang ahensya ng gobyerno.
Ang Portugal ay isa sa dalawang bansa sa Europa na matagumpay na nakaresolba sa ASF.
Sa ngayon ay may 15 probinsya sa bansa ang may mga aktibong kaso ng ASF.
Facebook Comments