Portugal, walang naitalang COVID-19 related death kahapon

Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng siyam na buwan, walang naitalang COVID-19 related death ang bansang Portugal kahapon, Abril 26.

Ayon sa otoridad, posibleng resulta ito ng ipinatupad na dalawang buwang strict lockdown sa kanilang bansa.

Sa kabila nito, nananatili pa rin ang Portugal na nasa green zone ng risk matrix kung saan ang transmission risk ay nasa below 1.


Sa ngayon, nasa 20% na ng 10 million na residente ang nabakunahan ng unang dose ng COVID-19 vaccines habang 7% naman ang nakatanggap na ng dalawang dose.

Facebook Comments