POSIBELNG SUMABOG? | Mt. Kanlaon, mahigpit na mino-monitor ng PHIVOLCS

Manila, Philippines – Bagamat walang direktang epekto sa aktibidad ng Mt. Kanlaon ang inaasahang pag-ulan dulot ng Bagyong Urduja at tail-end of a cold front sa Eastern Visayas.

Mahigpit na minomonitor ng PHIVOLCS ang galaw ng Mt. Kanlaon na makikita sa Negros Island.

Paliwanag ni PHIVOLCS Director Renato Solidom, kapag ang tubig ulan ay umabot hanggang sa pinakailalim ng bulkan, kukulo ito sa ilalim ng bulkan at magiging steam na posibleng magdulot ng pagsabog.


Kaya mahigpit ang kanilang monitoring sa bulkan.

Sa monitoring ng PHIVOLCS sa loob ng 24 oras 578 ang volcanic earthquakes ang naitalang naging aktibidad ng Mt. Kanlaon pero ito ay mahihina lamang.

Facebook Comments