Kabilang sa agenda ng sectoral meeting na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang posibilidad na i-lift na ang pinairal na price cap sa bigas.
Ang isyu ay tinalakay ng pangulo kasama ang mga opisyales ng Department of Agriculture at ng Department of Trade and Industry.
Ilan sa mga opisyales ng Agriculture Department na present sa pulong ay sina senior Undersecretary Artemio Panganiban at Undersecretary Leocadio Sebastian.
September 1 nang maglabas ang Palasyo ng Executive Order No. 39 at itinakda ang price cap sa P41 ang halaga ng regular milled rice kada kilo at 45 pesos naman para sa well-milled rice.
Nang nakaraang linggo ay nauna nang nabanggit ng pangulo na patuloy na pinag-aaralan kung itutuloy pa ba o ili-lift na ang pagpapatupad ng price ceiling sa bigas.