Manila, Philippines – Mariing kinontra ni Liberal Party o LP President Francis Kiko Pangilinan na dapat palawigin hanggang sa Luzon at Visayas ang martial law na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao.
Katwiran ni Pangilinan, hindi nagaganap sa Luzon at Visayas ang mga basehan na itinatakda ng konstitusyon para makapagdekalara ang Pangulo ng batas militar.
Kabilang aniya dito ang invasion at rebellion na hindi naman nangyayari saan mang lugar sa Luzon at Visayas.
Giit pa ni Pangilinan, dagdag problema at pahirap sa taumbayan ang martial law.
Binigyang diin ni Pangilinan na hindi martial law ang solusyon upang malutas ang mga problema ng bansa tulad ng kahirapan at kawalan ng trabaho, hanapbuhay at dagdag na kita.
DZXL558
Facebook Comments