Posibilidad na itaas sa Alert Level 4 ang tensyon sa Lebanon, hindi inaalis ng DMW

Pinag-uusapan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang paghahanda para sa posibilidad na itaas sa alert level 4 ang babala sa lebanon.

Sa ambush interview sa Malacañang, sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na hindi nila inaalis ang posibilidad na maging regional conflict ang sitwasyon dahil sa mga pag-atake ng magkakaibang pwersa, tulad ng Hezbollah at Hamas.

Tiniyak naman ni Cacdac na may nakahandang crisis management plan sakaling lumala pa ang tensyon sa Lebanon.


Handa ring magpatupad ng mandatory evacuation ang Department of Foreign Affairs oras na itaas ang tensyon sa level 4.

Ayon sa DFA, iba-biyahe ang mga Pinoy sa karagatan at aarkila ng barko ang pamahalaan na susundo sa kanila sa pantalan sa Northern Lebanon patungong Europa.

Maaari rin silang idaan sa Syria na katabi ng Lebanon at nakahanda naman ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na magpadala ng rapid response team.

Facebook Comments