Naghahanda na Ang National Patient Navigation and Referral Center (NPNRC) para sa posibilidad na makapasok sa bansa ang Monkeypox.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Bernadette Velasco, operations manager ng NPNRC na naturuan na nila ang kanilang staff kung papano tukuyin ang Monkeypox.
Sinimulan na rin aniya nila ang pakikipag koordinasyon sa mga health facilities para sakaling may matukoy na suspect, probable o confirmed case ng Monkeypox ay mabilis at alam na nila kung saan pupwedeng dalhin.
Sa ngayon, wala pang natutukoy na kaso ng Monkeypox na nakapasok sa bansa, bagama’t kailangan itong mapaghandaan maigi.
Facebook Comments