Posibilidad na pagbotahan agad ng mga Senador ng SC ruling ukol sa impeachment, ikinabahala ng Kamara

Iginiit ni House Spokesperson Atty. Princess Abante sa Senado na pairalin ang pagiging maingat, kabutihan, pasensya at respeto sa judicial process sa halip na pagbotohan ura-urada ang desisyon ng Supreme Court na nagdedeklarang labag sa salligang-batas ang impeachment complaint laban kay Vice president Sara Duterte.

Ayon kay Abante, bago magbotohan ay dapat munang hintayin ng Senado ang magiging pasya ng Kataas-taasang hukuman sa Motion for Reconsideration na ihahain ng Kamara.

Paalala ni Abante sa Senado, hindi pa pinal ang desisyon ng Korte Suprema kaya may legal na remedyo pang pwedeng gawin ang Kamara alinsunod sa itinatakda ng Saligang-Batas.

Diin pa ni Abante, hindi ito tungkol sa Kamara o Senado kundi tungkol sa pagbibigay proteksyon sa ating democratic institutions at pagpapa-iral sa sistema ng checks and balances na nakapaloob sa Konstitusyon.

Facebook Comments