Manila, Philippines – Ipinauubaya na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa taumbayan kung ano ang magiging kapalaran ni Presidential Communications Asec. Mocha Uson sa posibleng pagtakbo nito bilang senador sa 2019 elections.
Ayon sa pangulo, nasa kamay na ng mga Pilipino kung gusto nilang iluklok sa mataas na posisyon si Uson.
Aniya, kailangan ding igalan ang resulta ng botohan sakaling manalo si Uson sa halalan.
Nabatid na kabilang si Uson sa mga pinangalanan ni House Speaker Pantaleon na Alvarez sa senatorial line-up ng PDP-Laban.
Facebook Comments