Manila, Philippines – Hindi isinasantabi ng Palasyo ng Malacañang ang anggulo na posibleng suicide bomber ang nagsagawa ng pambobomba sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu noong nakaraang araw ng Linggo na ikinamatay ng mahigit 20 tao at ikinasugat naman ng mahigit 100 iba pa.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, base sa itinatakbo ng imbestigasyon ng mga otoridad ay mayroong parte ng katawan ng taon na hinihinalang may dala ng bomba
Tiniyak din naman ni Panelo na lahat naman ng anggulo ay sinisilip ng mga otoridad at masusing iniimbesigahan ang mga ito.
Ang mahalaga aniya ngayon ay matukoy kung sino ang mga nasa likod ng pagsabog upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima nito.
Tiniyak din ng Malacañang na ginagawa ng Pamahalan ang lahat para matiyak na hindi na mauulit ang kahalintulad na insidente saan mang bahagi ng bansa.