Posibilidad ng overcrowding sa mga estudyante sa pasukan, ibinabala ng teachers group

Nagbabala ang grupong Teachers’ Dignity Coalition (TDC) sa posibilidad ng overcrowding sa mga estudyanteng papasok sa August 22.

Pahayag ito ng TDC kasunod ng napaulat ng kakulangan ng mga classroom ilang araw bago magsimula ang school year 2022-2023.

Ayon kay TDC National Chairperson Benjo Basas, marami silang natatanggap na ulat hinggil dito at nahihirapan ang mga paaralan na gawan ito ng paaralan.


Dadgag pa ni Basa, posible itong makaapekto sa kalusugan at kaligtasan ng mga guro at estudyante gayong patuloy pa ring nararansan ang COVID-19 pandemic sa Pilipinas.

Dahil dito ay hinihimok niya ang Department of Education (DepEd) na magkaroon ng inventory kung ilang classrooms ang kakailanganin at paano tutugunan ang kakulangan dito.

Nauna nang sinabi ni Education Undersecretary Epimaco Densing III sa pagdinig ng House Committee on Basic Education and Culture na aabot sa 91,000 classrooms ang kulang sa school year 2022-2023.

Facebook Comments