POSIBLE | Grupong BAYAN naniniwalang mas dadami pang mga Pilipino ang tututol sa Cha-Cha

Manila, Philippines – Posibleng mas dadami pa ang tututol sa Charter change kapag nabatid ng publiko ang iba pang mga mapanganib na probisyon nito tulad ng pagtatanggal ng proteksyon sa lokal na ekonomiya.

Ayon sa grupong Bagong Alyansang Makabayan lalong maghihirap ang bansa kapag pinayagan ang isandaang porsyentong foreign ownership sa lupa, public utilities, media at mga paaralan.

Sinabi pa ng Bayan na malaking bahagi din ng Cha-cha ay self-serving, tulad na lamang ng probisyon na nagsasabing exempted na sa income tax ang mga matataas na opisyal kabilang ang mga senador, congressman at mga mahistrado.


Ang isa pang nakakabagabag na probisyon ayon sa grupo ay ang pag dagdag ng termino ng mga elected officials.

Kasunod nito naniniwala ang Bayan na imbes na maging solusyon sa kahirapan ang Cha-Cha ay palalalain lamang nito ang sitwasyon ng mga mahihirap at ang iilan lamang ang makikinabang

Matatandaang sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia survey majority ng mga Pinoy ang tutol sa paglipat ng ating gobyerno sa Federalism

Facebook Comments