Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na posibleng mailatag sa gaganaping Joint Command Conference ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang magkasunod na pagpatay kina Tanauan City Mayor Antonio Halili at General Tinio Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ang Joint Command Conference ay hindi biglaan dahil matagal na itong nakapila sa schedule ni Pangulong Duterte.
Sinabi ni Roque na hindi malayo na talakayin nila Pangulong Duterte at ng mga matataas na opisyal ng AFP at ng PNP ang pagkakapaslang kina Mayor Bote at Mayo Halili.
Nabatid na kahapon sa anibersaryo ng Philippine Airforce ay napansin ng mga taga media na matagal kinausap ni Pangulong Duterte si PNP Chief Director General Oscar Albayalde pero hindi naman inilahad ng Malacanang at ni Albayalde ang mga napagusapan nila ni Pangulong Duterte.