Manila, Philippines – Posibleng muling gawin sa bansa ang Ms. Universe
Ayon kay Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo medyo malapit na at nasa 90% na ang tyansa na idaos muli ang prestihiyosong beauty pageant sa bansa.
Sinabi nito na kapag natapos na ang mga usapan, ang swimsuit competition ay gaganapin sa rehabilitated Boracay sa Nobyembre.
Lalo ding tumindi ang espekulasyon na dito sa Pilipinas gaganapin ang Ms Universe 2019 makaraang mamataan nuong nakaraang sabado si Demi-Leigh Nel-Peters, Miss Universe 2017, na nanunuod ng finals ng World’s Strongest Man sa Rizal Park, Manila.
Matatandaan sinabi ng DOT nuong Abril, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag mungkahi na ang 2019 Miss Universe ay ganapin sa Boracay upang i-promote ang re-opening o muling pagbubukas ng isla matapos ang anim na buwang rehabilitasyon
Sa pagkakataong ito hindi na si dating Ilocos Sur governor Chavit Singson ang tatayong sponsor ng darating na beauty pageant bagkus sinabi ni Teo ang DOT ang naghahanap ng ibang sponsor
Nuong nakaraang taon, ang LCS Holdings Inc., ang kumpanya ni Singson ay gumastos ng 12 milyon USD para sa hosting ng 65th Miss Universe pageant