Manila, Philippines – Hanggang ngayon ay naniniwala pa rin si Government Chief Negotiator at Labor Secretary Silvestre Bello III na posible paring magbago ang isip ni Pangulong Rodrigo Duterte at buksang muli ang pintuan ng pamahalaan sa pakikipagusap sa Communist Party of the Philippines New People’s Army National Democratic Front o CPP-NPA-NDF.
Ayon kay Bello, sa oras na makita ni Pangulong Duterte ang na nakamit na ng NPA ang kanyang kondisyon na, pagpapakumbaba, tanggapin na mayroon lamang issang gobyerno at itigil ang pagatake sa tropa ng pamahalaan ay may posibilidad na makipagusap ang pangulo kay CPP Founding Chairman Jose Maria Sison.
Pero sa ngayon aniya ay malabo pa ito dahil hindi pa nagbabago ang isip ni Pangulong Duterte.
Sakali na aman aniya ay kakausapin ng Pangulo si Sison sa isang neutral country tulad ng Norway o sa Netherlands.
Ito ay sa harap ng lumabas na balita na pumayag umano si Pangulong Duterte na magkausap sila ni Sison sa susunod na ilang araw.
POSIBLE PA RIN | Sec. Bello, naniniwalang may pag-asa pa rin ang peace talks sa CPP-NPA
Facebook Comments