POSIBLE | Presyo ng Noche Buena items, mas mahal ngayong taon – ayon sa DTI

Manila, Philippines – Posibleng mas mahal ang presyo ng noche buena items ngayong taon.

Ayon sa Dept. of Trade and Industry (DTI) Usec. Ruth Castelo – kadalasan nasa tatlo hanggang limang porsyento ang itinataas ng presyo ng noche buena items tuwing kapaskuhan.

Nangako naman ang DTI na hindi nila hahayaang lumagpas sa 10% ang itataas sa noche buena items


Sinabi naman ni Luis Enrico Salvador, Corporate Secretary ng Philippine Chamber of Food Manufacturers – makakaapekto sa pagmahal ng bilihin ang pagtaas ng demand o pagdami ng mga konsumer na bumibili ng noche buena items tuwing kapaskuhan.

Dahil dito, hinihikayat ng DTI ang mga konsyumer na maging alerto sa mga negosyanteng nag-o-overpricing at idulog sa kanilang bagong hotline na 1-dti o 1-384.

Facebook Comments