Bakuna ng AstraZeneca sa COVID-19, posibleng pinakaunang magagamit sa Pilipinas -DOST

Posibleng ang bakuna kontra COVID-19 ng kompanyang AstraZeneca ang pinakaunang magagamit sa Pilipinas, ito ay kung ang pagbabasehan ay ang takbo ng gagawing negosasyon ng bansa sa nasabing pharmateutical company na nakabase sa United Kingdom (UK).

Ayon kay Dr. Jaime Montoya, Executive Director ng Philippine Council for Health Research and Development ng Department of Science and Technology (DOST-PCHRD), aabot na sa 2 milyong bakuna ang ipinareserba ng Pilipinas.

Habang nagsumite na rin ng aplikasyon ang AstraZeneca para sa clinical trial na gagawin sa Pilipinas.


Kasabay nito, sinabi rin ni Montoya na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa 17 bilateral partners nito kaugnay sa iba pang bakuna kontra COVID-19.

Kaiblang sa mga ito ang apat na Chinese firms, isang Russian company, isang Australian firm at dalawang kumpanya mula sa Taipei.

Facebook Comments