Nagbigay ng direktiba si Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil sa kanyang mga field commanders na tukuyin ang mga posibleng areas of concern sa 2025 national and local elections.
Ayon kay Philippine National Police-Public Information Office (PNP-PIO) Chief Police Colonel Jean Fajardo, ito ang guidance ni Gen. Marbil sa command conference sa mga Regional Commanders kahapon, ilang araw bago magsimula ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) na aarangkada simula October 1 hanggang October 8.
Paliwanag ni Fajardo, inaasahang magiging mainit ang eleksyon dahil sa magkakakilala at magkakamag-anak ang posibleng magkalaban.
Kaugnay nito, pinatutukoy na rin sa mga city at provincial directors kung sinu-sino ang maghahain ng kandidatura at magkakalaban sa mga lugar sa bansa at tinutukoy kung sino ang mayroong mga private armed groups.