POSIBLENG BANTA NG THE BIG ONE, PUSPUSANG PINAGHAHANDAAN SA DAGUPAN CITY

Patuloy ang isinasagawang paghahanda ng lokal na pamahalaan ng Dagupan laban sa posibleng ‘The Big One’.
Sa isinagawang pagpupulong kasama ang CDRRMO, Liga ng mga Barangay, katuwang ang iba pang mga ahensya, tinalakay ang ilang mga paghahanda tulad ng mga dapat gawin, bago, habang at pagkatapos ng isang kalamidad, tukuyin ang mga nararapat na lugar na pwedeng paglikasan at iba pa.
Kasunod na rin ito ng napaulat na magkakasunod na offshore tremors o pagyanig na naitala sa Ilocos Sur kung saan, kabilang ang lungsod at lalawigan na posibleng maapektuhan kung patuloy na gumalaw ang Manila Trench.

Sa flag raising ceremony, ibinahagi ng alkalde ang kasalukuyang paglilipat na ng Command Center mula sa ground floor patungo sa ikatlong palapag ng Engineering’s Bldg., maging ang mga kagamitan, upang sakaling magkaroon ng tsunami ay hindi apektado ang operasyon ukol dito.
Isa pa sa paghahanda ng LGU ay ang pakikipag-ugnayan sa pribadong sektor para sa pagkakaroon ng Privately Hosted Evacuation Centers o PHEC.
Samantala, magpapatuloy ang isasagawang sesyon ukol sa disaster preparedness sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments