Posibleng campaign funds ni Pangulong Duterte, magmumula sa private sources – Palasyo

Tiniyak ng Malacañang na walang gagamiting public funds si Pangulong Rodrigo Duterte para pondohan ang pangangampanya ng mga kandidato ng administrasyon sa 2022 elections.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, lilikom ang pangulo ng campaign funds mula sa private sources para suportahan ang kandidatura ng mga pambato ng administrasyon.

Iginiit din ni Roque na hindi ilegal ang plano ni Pangulong Duterte na magsagawa ng fund raising.


Nakasaad aniya sa Omnibus Election code na hindi ipinagbabawal ang paglilikom ng pera mula sa mga pribadong indibiduwal.

Bagamat hind ipinagbabawal ang pagpapalago ng pondo para sa halalan, sa kasamaang palad aniya, masyadong mahal o expensive ang dekokrasya.

Walang kandidato ang kayang magpatakbo ng public office maliban na lamang kung sila ay mayaman.

Facebook Comments