Bukas ang pamahalaan sa pagbibigay ng clemency kay Mary Jane Veloso, pero ipinauubaya na ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga eksperto.
Sa isang ambush interview, sinabi ng Pangulo na maaga pa para pag-usapan ang pagbibigay ng executive clemency kay Veloso dahil nasa preliminary stage pa lamang ang pagdating niya sa bansa.
Batid aniya niya ang hiling ng pamilya ni Veloso para sa kaniyang clemency, pero mas mabuting mapag-aralan muna nang husto ng legal experts ang sitwasyon ngayon ni Veloso para malaman kung nararapat ito.
Ayon pa sa Pangulo, wala namang kondisyon na ibinigay ang Indonesia at ipinauubaya na sa pamahalaan ng Pilipinas ang pagpapasya.
Gayunpaman, hahayaan muna aniyang mapag-aralaan maigi ng mga experto ang sitwasyon ni Veloso.