Friday, February 27, 2026

Posibleng destabilization plot sa isyu ng 18 ex-marines, tinitingnan ng Palasyo

Hindi isinasara ng Malacañang ang posibilidad na may destabilization plot sa likod ng kontrobersiya na kinasasangkutan ng 18 dating marines kaugnay sa katiwalian.

Ito ang pahayag ni Palace Press Officer Claire Castro matapos banggitin nina Senador Ping Lacson at dating Senador Sonny Trillanes na maaaring may tangkang paggalaw laban sa administrasyon.

Ayon kay Castro, ang mga nasa likod ng mga akusasyon ay may layuning pabagsakin ang gobyerno, patalsikin ang pangulo, at magluklok ng sarili nilang lider.

Binanggit din ng Palasyo ang pangalan ni Mike Defensor, na iniuugnay noon sa tinaguriang “Dirty Tricks Department.”

Matatandaang inihalintulad ni Castro si Defensor kay Ador Mawanay, ang testigong umanong ginamit laban kay Lacson noong 2001.

Sa kabila nito, inamin ng Malacañang na wala pa silang konkretong ebidensya na may destabilization, pero posible aniyang may mga indibidwal na ginagamit lamang sa mas malaking plano.

Nanawagan naman ang Palasyo sa mga sangkot na huwag magpagamit sa anumang hakbang na makapipinsala sa bansa.

Facebook Comments