POSIBLENG EPEKTO NG BAGYONG PAOLO SA ILOCOS REGION, PINAGHAHANDAAN NA

Naghahanda na ang iba’t ibang ahensya at tanggapan para sa posibleng epekto ng Bagyong Pablo na kasalukuyang binabantayan sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Naka-alerto na ang Deployable Response Group ng Philippine Coast Guard (PCG) kasama ang kanilang rescue assets at kagamitan para sa agarang pagtugon sakaling magkaroon ng emergency.

Nauna na ring nagpalabas ng abiso ang mga lokal na pamahalaan upang masiguro ang mahigpit na pagbabantay sa kanilang mga nasasakupan, partikular na sa mga tinukoy na hazard areas.

Pinayuhan din ang mga barangay councils na makipag-ugnayan at makipagtulungan sa mga awtoridad para sa mabilis na operasyon at posibleng paglilikas ng mga residente kung kinakailangan.

Nagpaalala naman ang mga tanggapan ng pamahalaan na ibayong pag-iingat ang dapat pairalin, lalo’t patuloy pa ring bumabangon ang rehiyon mula sa pinsala ng mga nagdaang bagyo at habagat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments