Posibleng epekto ng Bagyong Pepito, pinaaagapan na

Pinatitiyak ni Senate Committee on Public Works Chairperson, Ramon Bong Revilla Jr., na kumpleto sa paghahanda ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga local government units (LGUs) sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Pepito.

Ginawa ng senador ang payo sa gitna na rin ng pagtama ng Bagyong Ofel sa bansa na umabot hanggang sa Signal Number 5 ang lakas.

Umapela si Revilla sa DPWH at sa mga lokal na pamahalaan na siguruhing malinis at maluwag ang mga daluyan ng tubig at walang mga debris upang maiwasan ang matinding pagbaha.


Bukod dito, pinaghahanda rin ng senador ang mga kababayan na sumunod sa mga awtoridad sakaling payuhan na silang lumikas agad sa mga tahanan.

Umaasa si Revilla na walang malaking pinsala sa panibagong pagtama ng bagyo sa bansa.

Ang Bagyong Ofel ay nanalasa sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon samantalang ang tropical storm Man-yi na tatawaging Bagyong Pepito ay tatama naman sa mga lalawigan ng Central Luzon at Eastern Visayas.

Facebook Comments