Nakatututok ngayon ang Philippine National Police (PNP) At Armed Forces of the Philippines (AFP) intelligence units sa pagkumpirma sa posibilidad na “expansion” ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa lahat ng rehiyon sa labas ng Mindanao.
Inihayag ito ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde makaraang maaresto ng pinagsanib na pwersa ng PNP At Phil Army ang dalawang umano’y miyembro ng Syuful Khilafa Fi Luzon o Northern Jihadist Group sa Baggao, Cagayan.
Ayon Kay Albayalde, ito ang unang pagkakataon na may namonitor na pagkilos ng ISIS sa labas ng Mindanao Bukod sa Maynila.
Ngunit maari aniyang nagpapapansin lang sa ISIS ang dalawang naaresto para makilala ang kanilang grupo at makakuha ng funding.
Sa press conference sa Camp Crame kahapon, Kinilala ni Lt/Col. Marlon Santos, pinuno ng CIDG Anti-Crime Organized Unit ang mga naaresto na magkapatid na sina Altero Cariaga at Greg Cariaga na nahuli sa kanilang hideout sa Brgy. Dabak Grande, Baggao, Cagayan nuong Huwebes, Marso a-Beinte Otso.
Nakuha sa magkapatid ang isang Kalibre 45, 9mm, dalawang Kalibre 38 mga baril, dalawang Pampasabog at mga watawat ng ISIS.