Posibleng ganti ng mga taga suporta ng Maute ISIS group, inaasahan na ng AFP

Manila, Philippines – Hindi na raw mabibigla ang Armed Forces of the Philippines sa posibleng retaliatory attack o pagganti ng mga supporters ng maute ISIS group sa labas ng Marawi City.

Kasunod ito ng pagkakapatay ng kanilang dalawang lider na sina Omar Maute and Isnilon Hapilon.

Ayon kay AFP Public Affairs Chief Marine Col Edgard Arevalo, sa kabila ng inaasahang pagganti ng teroristang grupo handa naman daw dito ang kanilang hanay.


Sa ngayon nakatutok aniya sila sa paghingi ng tulong sa mga lokal na pamahalaan na na paalalahanan ang kanilang mga residente na maging mapagmatyag.

Hindi rin daw naduduwag ang AFP sa posibleng sympathy attack sa pero sana raw ay palakasin pa ang loob ng mga sundalo para pigilan ang mga terorista sa posible na namang pangugulo.

Facebook Comments