Posibleng “global recession” sa susunod na taon, dapat paghandaan na agad ng gobyerno

Iminungkahi ni House Assistant Minority Leader at Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado Jr., sa pamahalaan na maghanda at kumilos na kaugnay sa babala ng International Monetary Fund o IMF na posibleng “global recession” sa susunod na taon.

Sabi ni Bordado, dapat maprotektahan ang mga Pilipino sa epekto ng global recession na tiyak magdudulot ng pagbagal sa usad ng ating ekonomiya kasunod ng COVID-19 pandemic, tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine, lumalalang “climate crisis” at iba pa.

Hinggil dito ay naglatag ng rekomendasyon si Bordado tulad ng pagbawas sa pag-angkat upang mabawasan ang inflation.


Kasama rin sa suhestyon ni Bordado na palawakin ang “post-harvest support at value chain enhancement” sa sektor ng agrikultura lalo na sa mga probinsya.

Hinikayat din ni Bordado ang mga lokal na pamahalaan na samantalahin ang pagtaas ng alokasyon mula sa “Mandanas-Garcia ruling” para maikasa ang iba’t ibang aktibidad o programang kaugnay sa rural economy.

Facebook Comments