
Pinatututukan na ng Department of Transportation (DOTr) ang posibilidad ng pag-hoard ng mga beep card sa mga vending machine.
Sa ambush interview, sinabi ni DOTr Secretary Vince Dizon na mukhang mayroong sindikatong umiikot sa mga istasyon ng MRT at LRT.
Aniya, talagang hino-hoard ang Beep Card at inuubos sa mga vending machine para ibenta nang mahal.
Base sa report na nakarating sa kanilang opisina, P300 daw ang bentahan ng naturang card ma dapat ay mabibili lang sa halagang P30 kada Beep Card.
Bukod pa rito, naobserbahan din ni Dizon ang mga sirang vending machine at kakulangan naman ng beep card.
Aniya, kaya nagkakaroon ng mahabang pila sa kada istasyon dahil imbes umano gamitin ang card at deretso na makapasok at makasakay ay wala nang mabili ang mga pasahero dahil laging ubusan sa suplay ng card.









