Pinagtutuunan ng pansin ang kalagayan ng produksyon ng bangus sa lalawigan ng Pangasinan lalo ngayong nararanasan ang mainit na panahon.
Hindi inaalis ang posibilidad na maaaring magkaroon o makapagtala ng kaso ng gataw o fishkill sa lalawigan kung magpapatuloy pa ang mas mainit na panahon sa mga susunod na araw.
Sa ekslusibong ng IFM News Dagupan kay Samahan ng Magbabangus ng Pangasinan o SAMAPA Technical Head Jordan Carpio, hanggang sa kasalukuyan ay wala pa naman umanong naitatala ang tanggapan na kaso kaugnay nito.
Bilang tugon, saklaw ng ibinabahaging kaalaman ng SaMaPa sa mga bangus growers sa ilalim ng kanilang Good Aquaculture and Practices ang pagbibigay-kamalayan upang maiwasan ng mga ito na magkaroon ng fish kill.
Itinuturo ang wastong pamamahala sa bangus upang malabanan ang posibleng epekto ng nararanasang mainit na panahon.
Samantala, nasa P160 ang kada kilo ng bangus sa mga pampublikong pamilihan, depende sa laking bibilhin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨