Manila, Philippines – Posibleng makasuhan si Dept. of Interior and Local Government (DILG) Usec. Martin Diño matapos kumalat sa social media ang kaniyang litrato habang nakasuot ng uniporme ng rear admiral ng Philippine Coast Guard Auxiliary.
Batay sa records na hawak ng pcga membership, volunteer arm organization ng PCG, hindi lehitimong miyembro ng nasabing organisasyon si Diño.
Sa ilalim ng Republic Act 9993 o Philippine Coast Guard law of 2010, tanging ang PCG lamang ang mayroong otoridad sa PCG membership at mga gawain nito.
Kabilang sa posibleng ikaso kay Diño ang Usurpation of Authority at iba pang paglabag sa batas.
Ayon sa PCG, posible lamang na-recruit si Diño ng bogus PCG na nangongolekta ng pera mula sa kanilang mga bagong miyembro.
Biniberipika na rin ng PCG ang tungkol sa isang Admiral Villanueva ng Manila Yacht Club na siya umanong nasa likod ng modus.