Kumpiyansa ang kampo ni Mexican WBC, WBA Middleweight World Champion Canelo Alvarez na muling makakaharap sa ring para sa isang rematch si Welterweight Champion Floyd Mayweather Jr.
Ayon kay Golden Boy Promotions Chief Executive Officer Oscar De La Hoya, seryosong-seryoso ang kanyang alaga na magiging makatotohanan ang laban nito kay Mayweather Jr.
Sakaling matuloy, posibleng umabot sa 1.5 bilyong dolyar ang kikitain ng nasabing rematch.
Kapag pumayag si Mayweather sa rematch laban kay Alvarez, malaki rin ang tiyansang magkaroon din ng rematch sa pagitan nila ni Peoples Champ at Fighting Senator Manny Pacquiao.
Facebook Comments