Binabantayan ng Philippine National Police (PNP) ang posibleng looting sa mga establisyimentong naapektuhan ng malakas na lindol sa Mindanao.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, ito’y kasunod ng nai-report na pagnanakaw sa isang vape shop sa Region XII.
Nahuli naman aniya ang mga suspek matapos na agad na ireport ng may-ari at nakapagresponde agad ang mga awtoridad.
Dahil dito, nag-deploy ang PNP ng kanilang mga tauhan sa mga naapektuhang commercial establishments na posibleng target ng mga magnanakaw.
Samantala, iniulat din ni Fajardo na may naitalang minor damages sa ilang PNP stations dahil sa lindol.
Nagpapatuloy pa sa ngayon ang ginagawang assessment ng kanilang mga structural engineers sa integrity ng kanilang mga imprastraktura.