Handang handa na ang Commission on Elections (COMELEC) sa Lunes, araw ng halalan.
Sa Laging handa public press briefing sinabi ni COMELEC Commissioner George Garcia na napaghandaan na nila ang mga aberya na posibleng sumulpot sa eleksyon.
Ayon kay Garcia kalimitang problema na na-eencounter twing halalan ay ilang mga guro na syang nagsisilbing electoral board ang hindi sumisipot sa kanilang tungkulin.
Aniya mayroon nang guidelines at mga naka antabay na pamalit saka sakali mang hindi dumating ang mga guro.
Gayundin ang pagka antala ng dating ng mga election paraphernalia lalo na sa mga malalayo at liblib na lugar.
Paliwanag ni Garcia, nakapagpalabas na ng resolusyon ang COMELEC En Banc kung saan pinapayagan ang early deliveries ng mga gagamitin sa halalan nang sa ganon ay on time makapagsimula ang botohan sa Lunes.
Maliban dito, nakahanda rin ang buong pwersa ng Armed Forces of the Philippnes (AFP), Philippine National Police (PNP) maging ng Philippine Coast Guard (PCG) upang magbigay ng seguridad upang matiyak na walang indibidwal o grupo ang maghahasik ng kaguluhan sa araw ng halalan.