Posibleng mas maigting na pag-atake ng CPP-NPA dahil sa rejection ni Secretary Mariano sa Commission on Appointments, paghahandaan ng AFP

Manila, Philippines – Ngayong rejected na sa Commission on Appointment si Rafael Paeng Mariano bilang Department of Agrarian Reform Secretary.

Sinabi ni AFP Public Affairs Office Marine Col. Edgard Arevalo na hindi dapat na mabahala o matakot ang publiko sa posibleng sagot ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army na pagpapaigting sa kanilang pag-atake.

Si Mariano ay dating chairman ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.


Ayon kay Arevalo nakahanda ang kanilang hanay sa posibleng pag-atake ng npa na malimit nilang ginagawa.

Samantala, aalamin naman daw ng AFP kung lehitimong miyembro ng CPP NPA si Mariano.

Ito ay sa harap na rin ng pagtanggi ni Mariano na siya ay miyembro makakaliwang grupo.

Facebook Comments