UNITED STATES – Nagbabala ngayon ang Amerika sa mga lider ng Asia-Pacific region, kabilang na ang Pilipinas sa posibleng mga pag-atake ng teroristang islamic state group o ISIS.Ayon kay US Pacific Command Admiral Harry Harris – kasunod na rin ito ng pagbabalik ng teroristang grupo sa kanilang pinagmulang bansa tulad ng Bangladesh, Indonesia, Malaysia at Pilipinas makaraang mawalan sila ng teritoryo sa Middle East.Sa isinagawang geo-political conference sa New Delhi, nagpahayag ng pangamba si Harris na posibleng sa Asia-Pacific region naman ngayon maghasik ng kaguluhan ang teroristang grupo.Ang nasabing babala ay sinundan ng kaparehong babala mula sa isang Jakarta-based think tank noong Oktubre kung saan inihayag na nagsisimula nang sumapi sa ISIS ang ilang extremist group mula sa Southern part ng Pilipinas.
Posibleng Pag-Atake Ng Isis Sa Asia-Pacific Region – Ibinabala Ng Amerika
Facebook Comments