Posibleng pag-ipit ng mga trader sa suplay ng pulang sibuyas, dapat silipin ng pamahalaan sa gitna ng pagsipa ng presyo nito sa merkado!

Duda ang grupo ng mga magsasaka na smuggling ang dahilan ng pagsipa ng presyo ng pulang sibuyas sa mga pamilihan.

Sa interview ng RMN DZXL558, sinabi ni Leonardo Montemayor, Chairman ng Federation of Free Farmers (FFF) na bagama’t posibleng sinasamantala ng mga smuggler ang presyuhan ngayon ng sibuyas ay dapat na hindi tataas nang sobra ang presyo nito dahil kahit paano ay marami ang suplay.

Tingin niya, manipis talaga ang suplay ngayon ng sibuyas na iniipit pa ng mga trader upang pataasin ang presyo nito sa harap ng mataas na demand.


Matatandaang isinisi ni Agriculture Deputy Spokesperson Rex Estoperez sa mga smuggler ang lalong pagsirit ng presyo ng sibuyas sa merkado na ngayon ay pumapalo na sa higit ₱700 kada kilo.

Epektibo bukas, December 30, ₱250 na ang suggested retail price ng kada kilo ng pulang sibuyas mula sa kasalukuyang ₱170.

Facebook Comments