Posibleng pagbabalik ng Dengvaxia vaccine sa Pilipinas, dedesisyunan ng gobyerno sa loob ng 10 araw

Sa loob ng sampung araw, posibleng desisyunan na ng gobyerno kung ibabalik sa bansa ang kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III – tatalakayin ni Pangulong Duterte ang isyu ng Dengvaxia sa kanyang cabinet officials sa Malacañang ngayong araw.

Aniya, sang-ayon siya sa posisyon ng Palasyo na kailangan ng mas maraming pag-aaral bago ibalik sa merkado ang nasabing anti-dengue vaccine.


Binanggit din ng kalihim ang posibilidad na ireseta lamang ang Dengvaxia sa mga private patients gaya ng ginagawa ng Thailand, Indonesia at Singapore.

Sa ganitong sitwasyon kasi, may doktor na talagang magmo-monitor sa kondisyon ng kanyang pasyenteng matuturukan ng bakuna.

Nito lang Hulyo, lumubo na sa 146,000 ang kaso ng dengue sa buong bansa.

Facebook Comments