Posibleng pagbibigay ng Certificate of Product Registration sa mga bakuna kontra COVID-19, ipinasisilip ng DOH sa FDA

Ipinasisilip na sa Food and Drug Administration (FDA) ang posibleng pagbibigay ng Certificate of Product Registration (CPR) sa mga bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, inatasan niya ang mga opsiyal ng FDA na alamin kung aling sa mga manufacturers ang nais mag-apply ng kumpletong CPR.

Sa ngayon kasi ay Emergency Use Authorization (EUA) pa lang ang ibinigay sa mga bakuna kontra COVID-19 na ginagamit sa bansa.


Dagdag pa ni Vergeire, inatasan na rin niya ang FDA na padaliin ang proseso ang ahensya sa pag-evaluate o pagsusuri sa mga teknolohiyang kailangan ng bansa tulad ng gamot at bakuna.

Facebook Comments