POSIBLENG PAGBOBOTOHAN | Desisyon ng mga mahistrado sa quo warranto petition laban kay CJ Sereno – posibleng ilabas na sa biyernes

Manila, Philippines – Posibleng pagbotohan na umano sa Biyernes, Mayo 11 ng mga mahistrado ng korte suprema ang quo warranto petition na inihain ng Solicitor General laban kay Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno.

Nabatid na posilbeng siyam na mahistrado ang bumoto pabor, tatlo ang tutol at dalawa ang mag-abstain sa quo warranto petition.

Ito ay dahil umano sa paniniwalang nabigo si Sereno na isumite sa Judicial and Bar Council o JBC ang mga kinakailangang bilang ng kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net worth O saln noong siya ay aplikante pa lamang sa naturang posisyon.


Subalit apela ni Supreme Court Spokesman Attorney Theodore Te sa publiko, hintayin ang magiging hatol ng mga mahistrado kay Sereno at iwasan ang paglikha ng samu’t saring ispekulasyon sa isyu.

Kasunod nito, patuloy na nagkakampo sa harap ng korte suprema sa maynila ang mga tagasuporta gayundin ang mga kritiko ng nakabakasyong Chief Justice.

Facebook Comments