POSIBLENG PAGDAGSA NG MGA BIBISITA SA ABUAN RIVER, INAASAHAN

Cauayan City – Inaasahan ng pamunuan ng Abuan River ang pagdagsa ng mga bibisita sa lugar bago tuluyang matapos ang Summer Season.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Ginoong Billy Perez Admin Head ng Abuan River, maaaring sulitin na ng mga turista ang pagbisita sa lugar lalo pa’t tapos na ang pasukan ng ilang mga paaralan.

Aniya, kung dati ay kakaunti lang ang bumibisita sa ilog kapag weekdays dahil may pasok ang mga estudyante ngunit ngayon ay posibleng dumagsa ang bilang ng turista sa lugar upang samantalahin ang kanilang bakasyon.


Ayon kay Ginoong Perez, tuloy-tuloy pa rin ang mahigpit na pagbabantay ng mga nakatalaga sa lugar upang masiguro at napapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga bumibisita sa ilog.

Panuorin ang kanyang naging pahayag:https://youtu.be/HqPiiVerWUc

Facebook Comments