POSIBLENG PAGDAGSA NG MGA TURISTA SA PANGASINAN NGAYONG SUMMER, PINAGHAHANDAAN NA NG PNP

Pinaghahanda na ni PRO1 Regional Director Westrimundo Obinque ang mga pulis sa Pangasinan sa posibleng pagdagsa ng mga turista ngayong summer, sa kabila na rin ng pagbaba ng mga restrictions sa ilalim ng Alert Level 1.
Ayon sa opisyal, inaasahang magsisidatingan ang mga local at international tourist ngayong tag-init sa iba’t-ibang tourist destination sa probinsiya.
Inisa-isa ni Obinque ang mga hepe ng Manaoag, Bolinao, Alaminos City at iba pa na dinadagsa sa ganitong panahon na paghandaan ang bulto ng tao.

Ipinaalala nito sa mga pulis na patuloy na sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols lalo na ang pagsusuot ng face mask habang isinasagawa ang kanilang trabaho.
Samantala, hinikayat ni PBGEN Obinque ang mga pulis sa probinsiya na pagbutihin ang kanilang trabaho sa pagbibigay serbisyo publiko at huwag dungisan ang kanilang hanay. | ifmnews
Facebook Comments