Posibleng paggalaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin, mahigpit na babantayan ng DTI bunsod ng sunod-sunod na oil price hike

Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na mahigpit nilang babantayan ang posibleng mga paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

Kasunod ito ng tuloy –tuloy na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, malaki ang posibilidad na makaapekto ang nangyayaring oil price hike sa presyo ng mga bilihin.


Pero sa ngayon, aniya, wala pa silang natatanggap na price increase request mula sa mga manufacturers at producers.

Maliban dito, susubukan din daw ng DTI na magbago ang presyo ng mga Noche Buena items ngayong holiday season.

Facebook Comments