
Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na tinitingnan nila ang posibilidad ng paggamit ng automated counting machines (ACMs) sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa December 1.
Ayon kay Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, plano nilang gamitin ang mga ACMs sa piling mga lugar sa bansa upang higit pang mapabilis at mapahusay ang pagbibilang ng boto.
Aniya, patuloy ang paghahanda ng Comelec para sa BSKE hangga’t wala pang batas na nagtatakdang ipagpaliban ito.
Nakalatag na rin ang mga plano ng Comelec sa naturang halalan tulad ng ginawa nitong May 2025 Midterm Elections.
Kabilang sa mga hakbang na gagawin ay ang maagang pagboto, mall voting, at priority polling places para sa mga kabilang sa vulnerable sectors tulad ng senior citizens, persons with disabilities (PWDs), at mga buntis.
Kaugnay nito, muling aapela ang Comelec sa Marcos Administration na madagdagan sana muli ng P2,000 ang honoraria ng mga guro na magsisilbi sa BSKE.









