Posibleng paggamit ng booster shots kontra COVID-19 para sa ilang sektor sa susunod na taon, pinag-aaralan ayon sa DOH

Kinumpirma ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na siya ring namumuno sa National Vaccination Operations Center (NVOC) na patuloy ang pag-aaral sa paggamit ng booster shots kontra COVID-19.

Pero ayon kay Cabotaje, bagamat patuloy ang pag-aaral, hindi pa rin inirerekomenda sa ngayon ang pagpapaturok ng booster o iyong ikatlong dose na dagdag bakuna.

Posible aniya sa susunod na isa o dalawang buwan ay may matibay nang desisyon ang lahat ng grupo ng eksperto ng gobyerno sa usapin ng pagbabakuna.


Kung sakaling payagan na ang booster shots sa susunod na taon, sinabi ni Cabotaje na prayoridad dito ang mga frontline healthcare worker at mga may comorbidity.

Samantala, inihayag ni Cabotaje ma umaabot na sa 29,127,240 ng mga bakuna ang naiturok sa bansa.

Dagdag pa ni Cabotaje, mula ngayong August 19, umaabot naman na sa 42,620,800 doses ng COVID-19 vaccines ang dumating sa Pilipinas.

Facebook Comments