Posibleng pagiging host ng Pilipinas sa Asian Games, dapat pag-isipang mabuti

Manila, Philippines – Para kay Senate President Tito Sotto III, magaling ang pag-host ng Pilipinas sa ginaganap ngayong 30th Southeast Asian Games.

Kaya naman hindi nagulat si Sotto sa report na kinukunsidera ng Olympic Council of Asia ang Pilipinas para sa hosting ng 2030 Asian Games.

Pero ayon kay Sotto, dapat pag-isiping mabuti ng pamahalaan ang hosting ng mas malaking international sports event kagaya ng Asian Games.


Naniniwala si Sotto na kayang kaya itong gawin ng Pilipinas pero ang problema, masyadong malaki ang kailangang pondo na masyadong mabigat para sa atin.

Giit ni Sotto, kung may mga sponsor, tulad ng pribadong sektor na magbibigay ng tulong pinansyal ay posibleng kayanin ng Pilipinas ang hosting ng Asian Games.

Inihalimbawa ni Sotto ang kasalukuyang SEA Games kung saan sa kanyang pagkakaalam ay may 1.5-billion pesos na naiambag ang pribadong sektor.

Facebook Comments