Posibleng pagkakaipit ng Pilipinas sa “Chinese debt trap”, isang kalokohan

“Isang kalokohan” at “walang kwenta”

Ito ang binigyang diin ni Chinese Embassy Commercial Counselor Jin Yuan na ibinabaon ng China ang Pilipinas sa isang “debt trap” sa pamamagitan ng mga loan agreements nito.

Sa kanyang talumpati sa China-Philippines Summit, ayon kay Yuan – mahalagang nakatuon na lamang sa Build, Build, Build Infrastructure Program ng pamahalaan.


Aniya, mayroon lamang dalawang agreements ang Manila at Beijing sa ilalim ng Duterte administration.

Ang dalawang loan agreements na ito ay nagkakahalaga ng $260 million – halos parehas lamang sa loan na iniaalok ng ibang bansa.

Facebook Comments