Posibleng pagkapilay ng mga private hospital, ibinabala ng PHAPi kasunod ng paglobo ng utang ng PhilHealth

Nababahala ang Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPi) sa posibleng pagkapilay ng kanilang serbisyo para sa COVID-19 patients.

Sa interview ng RMN Manila kay PHAPi President Dr. Jose Rene de Grano, ito ay bunsod na rin ng kabiguan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na bayaran ang pagkakautang nito na 28 billion pesos.

Ayon kay De Grano, karamihan sa unpaid claims ay COVID-19 cases na hindi pa nabayaran ng PhilHealth simula noong March 2020.


Bunsod nito, aminado si De Grano na marami sa mga pribadong ospital sa Metro Manila ang hindi na kayang magdagdag o nag-downsize na ng kanilang COVID bed.

Facebook Comments